Malugod Na Pagtanggap
Nang magbakasyon kami ng aking asawa, pumunta kami sa isang sikat na lugar para sa mga atleta. Hindi naman ito sarado kaya naisip namin na puwede kaming pumasok. Natuwa kami sa mga nakita namin sa loob. Pero noong palabas na kami, may nagsabi sa amin na bawal kami roon. Nasaktan ang aming kalooban dahil akala nami’y puwede kaming pumunta sa lugar…
Misteryo
Pagkauwi ko galing sa trabaho, nakakita ako ng isang pares ng sapatos. Sigurado ako na sa anak kong si Lisa ang sapatos kaya inilagay ko iyon sa garahe kung saan makikita niya iyon kapag nagpunta siya sa amin. Pero nang tanungin ko si Lisa, hindi raw sa kanya iyon at wala rin sa mga kamag-anak ko ang nagsabing sa kanila ang…
Makakabuti Ba?
Dahil mahilig ako sa dark chocolate, tiningnan ko sa Google kung makakabuti ba ito para sa akin. Nakakita ako ng iba’t ibang sagot, may nagsasabi na mabuti ito at may nagsasabi naman na makakasama ito sa kalusugan. Maaari din natin tingnan sa Google kung makakabuti ba sa atin ang iba pang pagkain tulad ng gatas, kape, atbp. Maaaring sumakit ang mga ulo…
Mahal Kong Kaibigan
Ano ang ginawa ni Apostol Juan noon para sa kanyang kaibigang si Gaius na unti-unti nang nakakalimutan ngayon? Ito ay ang pagsulat ni Juan ng isang liham.
May sinabi naman ang isang manunulat sa New York Times na si Catherine Field tungkol sa pagsusulat ng liham. Sabi niya, “Ang pagsusulat ng liham ay isa sa sinaunang sining natin. At kung titingnan…
May Pag-asa
Marami na akong artikulong naisulat para sa babasahing Pagkaing Espirituwal at may ilan dito na tumatak na sa aking isipan. Isa na rito ang naisulat ko nang umalis ang tatlo kong anak na babae para dumalo sa isang camp. Noong wala sila, nagkaroon kami ng panahon na magkasama ng aking anim na taong gulang na anak na si Steve.
Kaya naman,…
Ang Dakilang Likha ng Dios
Nang minsang magbakasyon kami ng mga apo ko ay naaliw kaming panoorin ang isang pamilya ng mga agila mula sa isang web cam. Araw-araw ay sinusubaybayan namin ang mga gawain ng bawat miyembro ng kanilang pamilya. Sinisigurado ng mag-asawang agila na maaalagaan at mababantayan nilang mabuti ang kanilang maliit na anak.
Ang pamilyang agilang ito ay sumasalamin sa napakaganda at napakadakilang…
Mainit na Pagbati
“Sino ang yayakap sa kanila?"
Iyan ang sinabi ng kaibigan naming si Steve nang malaman niya na may malubha siyang sakit na kanser. Kailangan niyang lumiban muna sa pagsamba dahil sa kanyang sakit. May magandang nakasanayang gawin si Steve. Mahilig siyang bumati sa mga tao upang ipadama sa kanila na kabilang sila sa aming simbahan. Nagbibigay siya ng masaya at mainit…
Pagkahiwalay
Isang malakas na sigaw ang narinig sa kadiliman ng hapon. Natakpan nito ang mga pag-iyak ng mga kaibigan at tagasunod ni Jesus, maging ang pagdaing ng dalawang kriminal na nasa tabi ni Jesus. Namangha ang marami sa sigaw na ito.
“Eloi,Eloi, lema sabachtani?”, puno ng paghihirap na sigaw ni Jesus habang nakabitin sa nakakahiyang krus ng Golgota (MATEO 27:45-46).
“Dios ko,…
Isang Segundo
Ang mga siyentipiko ay mabusisi pagdating sa oras. Sa pagtatapos ng 2016, ang mga tao sa Goddard Space Flight Center in Maryland ay nagdagdag ng isang segundo sa taon. Kung ang tingin ninyo ay nadagdagan ang taon ng kaunti kaysa sa dati, tama kayo.
Bakit nila ginawa iyon? Dahil ang pag-ikot ng mundo ay bumabagal sa panahon, ang taon ay bahagyang…
Takdang Panahon
Ngayon ang unang araw ng tagsibol sa hilagang bahagi ng mundo. Kasabay nito ay nagsisimula naman ang panahon ng taglagas sa bansang Australia. Kasalukuyang umaga ang oras sa mga bansang malapit sa ekwador. Samantalang gabi naman sa ibang bahagi ng mundo.
Ang pagbabago ng panahon ay mahalaga sa maraming tao. Marami ang nag-aabang sa pagpapalit ng panahon. Inaasam nila na may…